Gaya ng dati, huli na naman ako sa pagsumite ng mga larawan. Paumanhin po dahil ako po ay umuwi ng Pilipinas noong Abril 28 para sa aking taunang bakasyon, sayang nga at hindi naitaon sa EBaliwan. Kaya sa huwebes na ito, tatlo po ang aking lahok, para sa temang 1)Tulay, 2)Simula Pa Lamang at 3)Nang Matapos. Kaya heto na:
LP 55: Tulay
Maraming tulay dito sa Dhaka dahil napapalibutan ito ng ilog at mga estiro. Subalit ito ay mga luma na at simple lang ang istraktura. Karamihan ay gawa sa "bricks" at bakal. Nitong nakaraang Nobyembre 2008 ay binuksan ang isa sa pinakabagong tulay at sa aking pananaw ito ang pinakamagandang tulay dito sa Dhaka.



Pati sa mga lokal ay patok na patok din ito dahil madalas may mga nagkukuhanan ng litrato dito at ginagawa na ring tipanan sa umaga man o sa gabi. Sa gabi nga ay may nagbebenta pa ng tsaa at mani.

Hindi ko alam ang pangalan nito, basta gandang-ganda ako dito lalo na sa gabi. Ito na ang bagong rota ko sa pagpasok sa opisina at pauwi sa bahay dahil mas malapit at mas mabilis ang byahe ko kung ito ang rota ko. Iwas trapiko sa pangunahing daan.
LP 56: Simula Pa Lamang
Tapos na ang aking sampung araw na bakasyon sa Maynila kaya simula na naman ng pag-eempake ng mga pasalubong at mga pangunahing pangangailangan na wala sa aking patutunguhan.

Opo, mga pagkain at "toiletries" ang karaniwan at karamihan sa baon ko pabalik sa ibang bansa. :-)
Ito naman ay ang larawan ng aming
"Kid's Section" bago umpisahan ang konstruksyon ng aming
"Forest Setting".


Simula pa lamang ito ng isang magandang pagbabago ng aming malaking showroom.
LP 57: Nang Matapos
At nang matapos ang isa'T kalahating buwan ng konstruksyon sa
"kid's Section", eto na siya...




ito ay opisyal na bubuksan sa akinse ng Mayo. Ang ganda di ba? May sound effects pa yan ng mga huni ng mga ibon at palaka at agos ng tubig mula sa munting talon patungo sa ilog.
Happy LP sa inyong lahat!
9 comments:
wow ang ganda naman niyan.
is this like a play place or something?
showroom ba ito? parang theme park, ang ganda kasi very elaborate ang design. :)
Ang ganda nga ng matapos! Naku tiyak walang pagsisidlan sa tuwa ang mga bata nito :)
Happy LP!
Thess
Wow, very kid-friendly naman ang place, nice shots and photos
peach, ang ganda ng showroom! galing-galing mo talaga!
Nice!!!
showroom palang iyan? ang galing naman :)
Wow! Ang sarap maging bata kung ganyan...Great job!
www.gmirage.com
ay ang galing naman nyan peachy ;-) amusement park?
Post a Comment