
Ito ang tradisyonal/ pambansang kasuotan ng kababaihan dito sa Bangladesh. Ang tawag dito ay saree/sari. Noong unang salta ko dito, ang akala ko ito ay para sa mga kababaihang Muslim lamang, hindi pala, ito ay para sa pangkalahatan.
This is the traditional dress for the ladies here in Bangladesh. It is called saree/sari. When I arrived hee for the first time, I thought this is for Muslim ladies only, but I was mistaken, it's for every ladies.
Ang saree/sari ay may habang 6 na yarda ng tela. Ito ay karaniwang makukulay na may iba't-ibang disenyo mula sa pinakasimpleng tela lamang hanggang sa may mga burda at beads. Ang saree ay gawa rin sa iba't-ibang tela na sinusuot ayon sa okasyon, may gawa sa cotton na maaaring gamitin sa pang-araw-araw, may gorgette, seda, o lace fabric din para sa mga okasyon. Ito ay binabagayan ng blusa na karaniwang gawa mismo sa tela ng saree o maaaring kakulay o katugma lamang ng saree.The saree is made of 6 yards of fabric. It is usually colorful with different designs from the most basic plain fabric to the most intricate designs with embroidery and beads. It is also made of different fabric which is use according to occassion. There is a cotton saree where you can wear for ordinary days, gorgette, silk or lace fabric for special occassion. It is match up with a top blouse that is either made from the same saree fabric or a different fabric that matches the color of the saree.
Nasubukan ko ng magsuot nito para sa isang kasalan. At sa totoo lang, mahirap itong suotin ng mag-isa ka lamang. Kailangan ko pang pumunta sa parlor para isuot ang saree sa akin. Ang saree ay iniikot sa baywang ng maraming beses at saka iniipit sa paldang panloob gamit ang malalaking perdible. At ang palaypay ay isinasabit sa balikat, maaaring nakatupi o nakalaylay lamang. Ang pagkakatupi ng saree ay isang sining na nagbibigay ganda lalo sa kasuotang ito.I've already experienced wearing a saree to a wedding. I find it hard to wear it alone, you need an extra hand to help you wrap the saree around your body. I have to go to the parlor so that they can put the saree on me. The fabric is wrap around your waist several times and then fixed with big big safety pins. And the extra fabric is placed on the shoulder either folded or loose. The folds of the saree is an art itself and it gives beauty to the whole get up.
Narito ang iba pang kaalaman.
6 comments:
ano kaya ang itsura ko pag suot yan :)maganda namang tingnan, parang mainit lang!
hindi siya mainit kasi yun blouse parang tube, kita yun likod at side ng katawan kaya medyo presko hehe, sa india nga eh tube blouse na ang uso.
classic talaga yan, meron akong maroon na galing sa isa kong kaibigang indian :) Wala pang okasyon na nasuot ko hehe, saka na lang siguro.
www.gmirage.com
hi peachy! wow, nakapagsuot ka na pala ng sari. ako wish ko din magsuot niyan, ang gaganda kasi at makulay. :)
ang ganda naman! sana hindi sa mukha nakapatong yung mga letra...hehe.
pasensya na ha, baka kasi magalit sila na nipost ko ang mga pix nila :-)
Post a Comment