Hindi lila ang paborito kong kulay kundi asul, ngunit ewan ko ba, sa pagdaan ng araw, mukhang dumarami ata ang mga kagamitan ko na kulay lila. Ang "hair dryer" ay regalo sa aking ng aking kaopisinahan para sa aking kaarawan noong nakaraang taon. Ito ang unang kaarawan ko dito sa banyagang bansa. Ang panali ng buhok ay bigay sa akin ng aking kasambahay, and "headband" naman ay bigay sa akin ng aking kapatid, ang sombrero ay alaala noong pumunta ako sa Bohol, ang bulaklak na kandila ay mula sa opisina at ang "scarf" ay regalo ko sa aking sarili noong pumunta ako ng India. Madami pa akong kagamitan na kulay lila, ngunit hindi ito ang paborito kong kulay. Kapanipaniwala ba?
Maligayang Huwebes sa inyong lahat!
4 comments:
Maganda siyang tingnan sa bigger size (kaya mga mambabasa, please click on the photo to view large size), super and detalye.
TY for commenting on my ilio.ph site, happy lp sa iyo at sa iyong readers.
oh wow! tyak alam ng mga nakakakilala sa iyo na bagay sa iyo ang kulay lila :)
happy lp!
Thess
ang ganda-ganda!!!!
ang kikay naman :D
eto aken lahok
magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)
Post a Comment