Kuha ito sa may tabing dalampasigan. Madalas itong tipanan ng mga magkasintahan sa umaga, at sa bandang tanghali at hapon ay nagsisidatingan ang mga grupo ng pamilya at magbabarkada. Nakakapawi ng kapaguran ang simoy sa dagat, ang mapayapang tanawin sa di kalayuan.
Masinsinang usapan sa may batuhan...mga pangako ng pagmamahalan na itataga sa mga bato.
Magandang araw mga kaLitratista... narito ang ibang kalahok
2 comments:
Saan ang lugar na ito? Napakaganda ngang venue para sa tipanan. :D
sa dalampasigan sa isang bayan sa Chittagong, dito sa bansang Bangladesh
Post a Comment