Sa kabilang banda, ito ang aking lahok:

ito ang simbahan ng Caleruega sa Nasugbu, Batangas. Kuha ito noong Hulyo 25, 2007. Pangarap kong ikasal dito, ang ganda kasi ng simbahan, tamang-tama sa maliit at intimate na kasalan. Maganda rin ang kapaligiran, ok sa pictorial. Kaso, ang mahal ng fee, nun 2007 nasa 15000 na siya. Dati-rati, talagang ipinagpipilitan ko na dito lang ako ikakasal o di bale na lang, kaya dapat pag-ipunan. Ewan ko ba, sa Pilipinas lang ata negosyo ang kasal :-)Pero ngayon, kahit saang simbahan na ako ikasal, basta lang ikasal ako sa H ko.
Ito pa ang isa kong pangarap. Mahilig ako sa photography, mapa-ako ang kumukuha ng larawan o ako ang kinukuhanan, basta picture taking, mahilig ako. Kaya naman pangarap ko simula nun bata ako na maging isang magaling na photographer at magkaroon ng "photographer's camera".
Ating alamin ang mga pangarap ng ibang ka-LP!
Magandang araw ng huwebes!
8 comments:
Happy LP, maganda yung church kaya lang mahal pala ang bayad, praktikal na ngayon, wish ko lang na sana matupad pangarap mo
Negosyo na talaga ang pagpapakasal ngayon. Hindi ko pa naranasan ang Church wedding dahil civil ceremony lang sa akin. Pero pangarap ko pa rin ang kasal sa simbahan at magsuot ng magandang wedding gown.
Nawa'y matupad mo ang mga pangarap mo ka-LP!
Sana pagdating ng panahon, sa simbahang yan ka pa rin ikasal...malay mo di ba? at sana matupad ding magkaroon ka ng DSLR =)
happy lp!
www.thesserie.com
Mahal na talaga ang wedding ngayon... kahit na 50% off kami sa simbahan namin mahal pa rin... hindi ko inaakala na ganyan ka mahal ang bayad sa simbahan... :(
Sana naman matupad ang pangarap mo... :)
Eto ang Pangarap Ko
Negosyo ang pagpapakasal, totoo yan. Di bale, basta kayang abutin, maaabot ang pangarap :)
Heto ang lahok ko:
http://greenbucks.info/2009/06/10/pangarap-nila/
Hehehe...pangarap ko rin ang DSLR. Konting ipon pa.
Eto naman ang pangarap ko: http://www.maureenflores.com/2009/06/litratong-pinoy-pangarap-ko.html
gusto kong puntahan ang simbahan na iyan..lagi kong nakikita ang litrato sa kung saan-saan. nangagarap din ako ng dslr pero mag-iipon pa muna ako.
sikat na simbahan talaga yang caleruega...ang ganda kasi ng view! naka-attend na ako ng kasal dyan one time.
sana magkatotoo mga pangarap mo! :)
Post a Comment